Madlang pipol, shocked! HUBO'T HUBAD NA KATAWAN NI SOLENN, KUMALAT
- Nitz Miralles
- Dec 15, 2018
- 1 min read

PASABOG ang latest post ni Solenn Heussaff sa Instagram (IG) na picture niyang nakahubad pero walang makitang private part ng kanyang katawan.
Nakatago ang nipples niya at nasilip lang ang parte ng boobs at ang harapan, natakpan ng dalawa niyang kamay at kahit anong silip, wala talagang makikita.
Simple lang ang caption ni Solenn sa kanyang nude photo: “My human form reduced visually into my purest state @markednicdao.”
Ang daming comments at reactions sa photo ni Solenn. Pati mga kasamahan niya sa showbiz at fashion world ay nag-react. Pinakakuwela ang reaction ni Nico Bolzico na “Ok, close everything! @markednicdao I’ll hunt you down.”
Ang hinihintay ngayon, kailan daw may eksenang ganito si Solenn sa action drama ng GMA-7 na Cain at Abel. Ang request ng mga viewers, pa-Christmas na lang ng show sa mga viewers ng drama series nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.




Comments