Lola naatrasan ng trak, pisak
Paul Lamsen
Dec 15, 2018
1 min read
ISANG lola ang nasawi makaraang maatrasan ng trak kamakalawa ng umaga sa San Fernando City, La Union.
Bandang umaga, habang nag-aabang ng masasakyan ang biktimang si Anastacia Renon, 61, nang maatrasan ng trak.
Hindi umano napansin ng drayber na may tao sa likod kaya nito naatrasan.
Napag-alaman na magkakarga sana ng gasolina ang drayber ng trak na si Erwin ngunit, natanaw nito na mahal ang gasolina kaya umatras ito upang maghanap ng mas mura.





Comments