top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Isinama ni misis | KABIT AT MISTER NAGPATAYAN SA X’MAS PARTY

  • Jeff Tumbado
  • Dec 15, 2018
  • 1 min read

NAUWI sa gulo ang masaya sanang Christmas Party sa Iloilo City.

Sa halip na magpalitan ng regalo, nagkagulo sa naturang party hanggang sa magsaksakan ang isang lalaki at umano’y kalaguyo ng kanyang misis sa kalagitnaan ng kasiyahan.

Sugatan sa insidente si Daniel Pillora na nalamang kasama ng kanyang asawa ang kalugyo nito na si Rogen de Dios sa party. Matagal nang naghihinala si Pillora na may relasyon ang kanyang asawa kay De Dios kaya nang magkaharap sa pagdiriwang ay nauwi ito sa gulo.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, tinangka ni Pillora na saksakin ng screwdriver si De Dios ngunit, naagaw ito sa kanya dahilan para siya ang masaksak sa tagiliran.

Sa ngayon, nakakulong na ang suspek na piniling samahan ng misis kaysa sa sariling asawa na ngayon ay nagpapagaling sa ospital.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page