top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Hirit ni Faeldon na papatayin ang anak 'pag napatunayang sangkot sa droga, hindi na bebenta!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 15, 2018
  • 2 min read

FAKE LANG PALA NG MGA ‘DILAWAN’ NA PINAGBABAYAD NG SANDIGANBAYAN SI REVILLA NG P124.5 MILYON—Nilinaw nina Atty. Ramon Esguerra at Atty. Rean Balisi, kapwa abogado ni ex-Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. na ang mga guilty lang sa kaso na sina Pork Barrel Scam Queen Janet Napoles at Atty. Richard Cambe ang inatasan ng Sandiganbayan na magbayad ng P124.5 milyon sa gobyerno at hindi raw kabilang ang dating senador sa pinagbabayad dahil absuwelto raw ito sa kasong plunder.

Kung ganu’n, fake news lang pala ang ipinakakalat ng yellow politicians na kabilang si Revilla sa pinagbabayad ng korte ng naturang halaga. Boom!

◘◘◘

PERA NG BAYAN PROTEKTADO RAW, PERO AYAW SIBAKIN SI DIOKNO NA SABIT SA P75 BILYON ‘PALUSOT’ SA 2019 NATIONAL BUDGET—Hindi joke ang P75 bilyon alokasyong isiningit ni Budget Sec. Benjamin Diokno sa DPWH 2019 budget at sa imbestigasyon ng Kongreso ay natuklasan na ang budget na ito (P75 bilyon) ay mapupunta sa mga kontratistang may koneksiyon sa Malacañang.

Ito na ang siste, nang manawagan ang Kongreso na sibakin si Diokno, dinedma lang ito ng Malacañang.

‘Yan ba ang sinasabi ni P-Duterte na protektado ng kanyang gobyerno ang pera ng bayan? Pwe!

◘◘◘

STATEMENT NI FAELDON NA PAPATAYIN NIYA ANG KANYANG ANAK, LAOS NA!—Matapos matimbog sa drug raid ang anak ni BuCor Director Nicanor Faeldon, Sr. na si Nicanor Faeldon Jr., ang sabi ni Faeldon Sr., kapag napatunayang sangkot sa droga ang kanyang anak ay papatayin daw niya ito.

‘Sus, laos na ang statement na ‘yan ni Faeldon, Sr. kasi napalabas na sa TV ‘yan dahil ganyan din ang sinabi ni P-Duterte noon nang masangkot si Presidential Son Paolo “Pulong” Duterte sa “Davao Group” na nasangkot sa P6.4 bilyong shabu smuggling sa BOC na ayon sa pangulo, tiyak daw dedbol ang aabutin ng kanyang anak kapag napatunayang sangkot ito sa droga, boom!

◘◘◘

BAKA IABSUWELTO RIN NI GORDON ANG ANAK NI FAELDON? — Ang pagkakasangkot sa anak ni Faeldon sa droga ay huwag sanang paimbestigahan ni Sen. Richard Gordon sa Senado.

Baka kasi matulad ‘yan sa mga kasong may kaugnayan sa droga na inimbestigahan ng komite ni Sen. Gordon nang matapos ang imbestigasyon lahat nang sangkot ay inabsuwelto ng senador.

Sa inis ni Sen. Antonio Trillanes IV, binansagan nitong ‘komite de absuwelto’ ang komite ni Gordon, ha-ha-ha!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page