ChaCha, binuhay na naman ng mga walang magawa!

HULI sa buy-bust operation ng shabu ang anak ni BuCor Chief Nicanor Faeldon, Sr.
Paano ngayon ‘yan?
◘◘◘
BIGLANG umulan.
Mainam at nalinis ang alikabok!
◘◘◘
HINIYA raw sa Kamara ang budget secretary.
Huh, may hiya pala siya?
◘◘◘
BAWAL na ang “Angkas”.
Ginawa kasing negosyo ng mga buwitre!
◘◘◘
BINUHAY na naman ang ChaCha.
Mahirap talaga ang “walang magawa”!
◘◘◘
INIMBENTO ni ex-P-Noy ang DAP.
Inimbento naman ng amuyong ni P-Digong ang insertion.
Lahat nang ‘yan ay pork barrel!
◘◘◘
MATAPOS ibalik ang Balangiga Bells, puwede nang magpunta si P-Digong sa Washington.
Ingat siya sa mga espiya!
◘◘◘
HINDI na mapipigil ang ikalawang sigwada ng TRAIN Law.
Malungkot na 2019!





Comments