top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

ANGAT ANG ROCKETS SA 50 PTS. NI HARDEN KONTRA LA LAKERS

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 15, 2018
1 min read

NAGTALA si James Harden ng 50-point triple-double at siyang nagpaangat sa 4th quarter para sa panalo ng Houston Rockets, 126-111 laban sa Los Angeles Lakers sa NBA game kahapon.

Pumoste si Harden ng 50 puntos, 10 rebounds at 11 assists para tigpasin ang Lakers na may 6-1 marka sa nakaraang mga laro. Sa kalamangan ng Houston sa 109-106 kasunod ng eksplosibong dunk ni Lakers’ Kyle Kuzma sa nalalabing 4:16 minuto, nakapagsalpak si Harden ng tatlong free throws bago itinarak ang magkasunod na tres puntos.

Umikot pa ang huli sa rim bago pumasok kaya lu­mawig pa sila sa 12 points, magandang laro ang ipinamalas ni Harden bago kumulapso ang laro sa 54 segundo.

Umiskor si Kuzma ng 24 points at 5 assists upang makatulong sa malakas na laro ni LeBron James, na ku­mama­da ng 29 points.

Samantala sa iba pang laro, tinalo ng Toronto Raptors ang Golden State Warriors para walisin ang preliminaries season.

Umiskor si Kyle Lowry ng team-high 23 points sa maagang ratsada ng Toronto Raptors at kumpletuhin ang season-series sweep laban sa Golden State Warriors sa bisa ng 113-93 na panalo sa Oakland, California.

Namuno si Kevin Durant sa score na 30 points para sa Warriors, na ikatlo nila itong pinakamababng resulta ngayong season. (MC / ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page