ALL-OUT-WAR, ASAHAN SA PAGITAN NG LOGISTICS AT BLAZE SA PSL FINAL


MULING magbabalik ang best club teams sa bansa – ang Petron at ang F2 Logistics para sa final rivalry kung saan magsisimula ang Game 1 ng kanilang Philippine Superliga All-Filipino Conference best-of-three finals series mamayang gabi sa Mall of Asia Arena.
Magsisimula ang aksiyon ng 6 p.m. kung saan ang Blaze Spikers at Cargo Movers ay aasahan ang isang all-out war para sa pakay na fifth straight finals duel sa prestihiyosong women’s club tourney.
Malakas na laro rin ang nais tapusin ng Cignal HD Spikers at Generika-Ayala Lifesavers para sa bronze-medal match ng 4 p.m.
Sa kabuuang seven titles na natipon ng dalawang team, ang Blaze Spikers at Cargo Movers ang pinaka-dominanteng teams sa PHL volleyball.
Umatungal ang Petron sa 10 sunod na panalo sa preliminaries bago lusawin ang Sta. Lucia sa quarterfinals at ang Cignal sa semifinals, nakausad sa dalawang straight wins.
Isang malaking achievement ang makatuntong sa finals, ayon kay Head coach Shaq Delos Santos pero ‘di pa tapos ang kanilang misyon dahil pakay nilang durugin ang Logistics at patatagin ang status sa elite volleyball club ng bansa. “We’re happy to be in the finals, but we’re not yet done with our mission,” ani Delos Santos, na bahagi ng powerhouse Petron na nagwalis sa All-Filipino Conference noong 2015.
Sinabi ni Delos Santos na ang F2 Logistics ay may natatanging puwersa na tinitipon para sa finals. Sa titular showdown ng Grand Prix noong 2017, ang Blaze Spikers ay nakalalamang na para sa korona hanggang sa lumakas ang Cargo at nabaligtad ni coach Ramil de Jesus ang laro at nakawin ang panalo sa Game 2. (MC)





Comments