15 kulong sa shabu
KULONG ang 15 hinihinalang drug personalities kabilang ang dalawang menor-de-edad na nadakip sa buy-bust operation sa Valenzuela City.
Ayon kay Valenzuela Police Chief Sr. Supt. David Nicolas Poklay, unang nagsagawa ng buy-bust operation sa pangunguna ni PCI Jowilouie Bilaro sa Little Tagaytay, Marulas alas-10:00 ng gabi na nagresulta sa pagkakaaresto kina Eduard Santos, 38; Mojib Legacion, 34; Jesus San Juan, 40, at Francis Loran Fabian, 19. Narekober sa mga suspek ang 6 na plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, P200 buy-bust money at P500 cash.
Samantala, alas-11:30 ng gabi nang masakote naman sa Mercado St., Gen. T. de Leon sina Mark Froilhand Inding, 18; Mark Ryan Barroa, 18; Ricardo Barroa, 58, at Paulo Sarmiento, 20, kung saan narekober sa mga ito ang 2 plastic sachets ng hinihinalang shabu, 10 plastic sachets ng pinatuyong dahon ng marijuana at P200 buy-bust money.
Sa Bgy. Ugong, timbog din sina Richard Serena, 34, listed/ pusher; Jerry Arias, 42, Kirk John Jamisola, 18; Charo Manlungat, 40, maid; Herenedes Jamisola, 45, at dalawang edad 17.
Nakumpiska sa mga suspek ang 5 plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, P200 buy-bust money at ilang drug paraphernalias.





Comments