top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sec. Diokno sabit sa budget, hindi 'yan joke!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 14, 2018
  • 1 min read

SUMABIT si Budget Secretary Benjamin Diokno.

No dyok si dyokno!

◘◘◘

ANG pork barrel ay may bago nang anyo.

Insertion!

◘◘◘

ANO raw sa Tagalog ang insertion?

Singit po!

◘◘◘

HINDI talaga mai­aalis ang korupsiyon.

Bigo si P-Digong sa giyerang ito!

◘◘◘

MAHIRAP maka­tsamba ng matitinong Ehekutibo sa gobyerno.

Ang mga korup ang nagpapalakas sa recruitment ng CPP-NPA-NDF!

◘◘◘

HANGGA’T may korupsiyon, mananatili ang mga nagtatangkang ibagsak ang pamaha­laan.

Paglilinis sa mga korup ang simpleng pagsugpo sa rebelyon at insureksiyon!

◘◘◘

BUMAGSAK ang mga prayle dahil sa talamak na korupsiyon sa gobyerno at Sim­bahan.

Pero, bago gumu­ho ang gobyernong Es­pan­yol, umabot muna ng mahigit tatlong siglo!

◘◘◘

NANG maagaw ang gobyerno mula sa mga Espanyol, nagpatayan ang mga rebolusyu­naryo.

Napatay din ang lider ng rebolusyon.

Napalitan siya ng serye ng mga korup na lider sa pama­halaan!

◘◘◘

ANG korupsiyon ay kakambal ng lahat ng pamahalaan at organi­sasyon.

Maging sa loob ng Simbahan at komu­nistang gobyerno ay may korupsiyon.

Ang korupsiyon ay kasingkahulugan ng ideolohiya ni Satanas!

◘◘◘

MAGING si Hesu­Kristo ay tinangkang ikorup ni Satanas sa Bundok ng Tabor.

Imbes na upakan at tadyakan ni Hesus si Satanas, nagsawalang kibo lang siya at nagdasal!

◘◘◘

HANGGANG ngayon, dasal lang nang dasal ang pobreng mamamayan.

Nagdarasal ang mamamayan na sana, ang mga korup ay kunin na agad ni Lord.

‘Yan lang ang solusyon, wala nang iba pa!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page