top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pulis binentahan, 3 kulong sa shabu

Maeng Santos
Dec 14, 2018
1 min read

TATLONG hinihinalang drug pushers kabilang ang 22-anyos na babae ang arestado matapos magbenta ng shabu sa pulis na nagsagawa ng buy-bust operation sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan Police Chief Sr. Supt. Restituto Arcangel ang mga suspek na sina Menso Daud, 21; Salahudin Managantan, 32, beautician at Almera Hadjimustapha, 22, ng Bgy. 188, Tala.

Ayon kay PO1 Aian-Jay Gamayon, alas-11:25 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PCI Rengie Deimos ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Lapu-Lapu St., Bgy. 78.

Nagawang makabili sa mga suspek ng isang plastic sachet ng shabu ni PO1 Albert Alan Badua na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P10,000 buy-bust money.

Matapos ang transaksiyon, agad sumugod ang back-up na mga operatiba saka sinunggaban ang mga suspek.

Narekober din sa mga ito ang dalawa pang plastic sachets ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page