Pangalan ng BF, ipina-tattoo… SIGAW NG NETIZENS KAY AIKO: ‘DI MO NA ‘YAN MABUBURA ‘PAG NAG-BREAK KAY

IPINOST ni Aiko Melendez ang bago niyang tattoo na parang nasa left wrist niya at pangalan ng boyfriend niyang si Subic Mayor Jay Khonghun ang nakalagay.
“I have a feeling that I’m going to love you for a long time @jaykhonghun,” ang caption ni Aiko sa post niya tungkol sa kanyang tattoo.
Pang-lima na pala itong tattoo ni Aiko, hindi lang nakikita ng press people ang iba. At nilinaw din ng aktres na hindi lang siya ang nagpa-tattoo, kundi pati si Mayor Jay.
Sabi ni Aiko, “Ako lang daw ang nagmamahal, ‘di nila alam terno tayo,” bilang sagot sa comment ni Mayor Jay na “Awww! Ang Sweet Baby @aikomelendez... I love you too.”
May mga nag-comment na hindi maganda ang ginawa ni Aiko dahil baka mag-break sila ni Mayor Jay, eh, hindi pa naman nabubura ang tattoo. May jinx din daw ang may karelasyon na nagpapa-tattoo dahil nagbe-break din.
Samantala, natutuwa si Aiko na mapabilang sa cast ng MMFF entry na Rainbow’s Sunset na challenge sa kanya.
“This is a beautiful LGBT family drama soon to touch your humanity,” sabi ni Aiko sa pelikula ni Joel Lamangan na mapapanood na simula sa December 25.





Comments