Nagwalang mister, utas kay kagawad
TODAS ang isang mister makaraang barilin ng kagawad sa Bgy. Lagnas, Balayan, Batangas.
Alas-11:45 ng gabi nang humingi ng tulong ang misis ng biktimang si Teotimo Sanchez sa mga barangay official kaugnay sa pananakot ng mister nito kung saan armado ito ng itak.
Agad rumesponde ang mga opisyal kasama ang kapitan.
Pinakiusapan nila ang biktima subalit, agad umano silang inatake nito.
Bumunot ng baril ang suspek na si Kagawad Dennis Mendoza saka binaril sa katawan ang mister.
Nadala pa ito sa pagamutan ngunit, binawian din ito ng buhay habang tumakas naman ang suspek.





Comments