Motel ginawang drug den, 3 mag-bf arestado

HULI ang tatlong babae at tatlong lalaki na aktong nagpa-pot session sa isang motel sa Old Sta. Mesa, Manila.
Kinilala ni PS/Insp. Pidencio T. Saballo, Jr., nanguna sa raiding team ang mga naarestong sina Joseph Malicse alyas Opet; Ace Acosta, 36; Brando Banaag, 30; Shaira Ann Catayo, 18; Mary Katherine de Jesus, 22, at Kharina Grace Chua, 28.
Nagsagawa umano ng buy-bust operation ang mga pulis laban kay Malicse alas-10:00 ng gabi kung saan sa Room 258 ng Prince Court Hotel, Old Sta. Mesa, Manila isinagawa ang buy-bust.
Nang matapos ang transaksiyon, dito na inaresto si Malicse at ang mga kasama nito na noon ay nagpa-pot session.
Narekober sa mga suspek ang P1,000 buy-bust money, pitong piraso ng sachets ng shabu, tatlong strips ng aluminum foil na may traces ng shabu, isang improvised glass pipe, tatlong disposable lighters, gunting at aluminum foil.





Comments