Maine, ngayong may Arjo na… ALDEN AT JULIE ANNE, HULI SA AKTO, EBIDENSIYA KUMALAT

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MATAPOS ang hiwalayang Julie Anne San Jose at Benjamin Alves, mukhang nanunumbalik na muli ang tamis sa pagitan ng aktres-singer at ni Pambansang Bae Alden Richards. May kumakalat kasing litrato na huling-huling magkayakap ang dalawa.
Sinuportahan naman ito ng mga fans nila at sinabing okay lang daw na magkabalikan sila dahil pareho naman na silang single at may Arjo Atayde na rin daw ang ka-love team ni Alden na si Maine Mendoza.
Kasunod nito, may cryptic message ring ipinost ang ex-BF ni Julie Anne na si Benjamin na diumano ay confirmation sa hiwalayan nila.
Aniya, “Maybe, true happiness is when we are happy for ourselves — faraway.”





Comments