Jueteng sa Kyusi, talamak na, buwisit!

KAPAG HINDI KAKAMPI NI GMA ANG SUSUNOD NA PANGULO, BAKA MAGBALIK-KULUNGAN SIYA?—Si ex-President at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ay nakulong noon dahil sa mga kasong may kaugnayan sa korupsiyon at nang makalaya sa Duterte gov’t. at naging head ng Kongreso, sabit ulit siya sa korupsiyon dahil ayon kay Sen. Ping Lacson ay nagkamal daw ito ng P2.4 billion pork barrel.
Naku, dapat ngayon pa lang ay umpisahan nang magdasal ni GMA na kaalyado niya ang manalong pangulo sa 2022 kasi kapag hindi niya kakampi ang papalit sa trono ni P-Duterte, siguradong balik-kulungan siya, abangan!
◘◘◘
SEN. ANGARA, PASIMUNO NA NG TRAIN LAW, PUMABOR PA SA MARTIAL LAW—Ang pasimuno at nagsabatas ng TRAIN Law sa Senado na nagpataas sa presyo ng mga bilihin na si Sen. Sonny Angara ay isa rin sa mga senador na bumoto pabor sa extension ng Batas-Militar sa Mindanao.
Pambihira, imbes na ang isulong niya ay mga batas na kapaki-pakinabang para sa kapakanan ng taumbayan, eh, ang isinasabatas ay pagpapahirap at panggigipit sa mamamayan, pwe!
◘◘◘
QCPD DIRECTOR ESQUIVEL AT 4 HEPE, WALANG PAKI SA ‘WAR ON ILLEGAL GAMBLING’ NI P-DUTERTE?—Patuloy na lumalawak ang operasyon ng pa-jueteng ni “Ryan” sa Quezon City kasi kung noon ay sa mga lugar lang na sakop nina QCPD-Stn. 1 (Laloma) Commander Supt. Robert Sales, QCPD-Stn. 2 (Masambong) Commander Supt. Rodrigo Soriano at QCPD-Stn. 3 (Talipapa) Commander Supt. Alex Alberto ang raket nito, ngayon ay may pa-jueteng na rin daw ito sa jurisdiction ni QCPD-Stn. 4 (Novaliches) Commander Supt. Rossel Cejas.
Tila yata walang paki sina Supt. Sales, Supt. Soriano, Supt. Albert, Supt. Cejas at ang boss nilang si QCPD Director Joselito Esquivel, Jr. sa “war on illegal gambling” ni P-Duterte kaya hinahayaan lang nilang mamayagpag ang pa-jueteng ni “Ryan” sa kanilang nasasakupan, period!
◘◘◘
‘CIDG NOY’, PROTEKTOR SA RAKET NI ‘KIROS’ SA ANGELES CITY—Isang alyas Noy na nagpapakilalang taga-CIDG daw ang nagbibigay-proteksiyon sa drop balls at color games operation ni “Kiros” sa bisinidad ng Marquee Mall sa Bgy. Pulong Maragul, Angeles City.
Kung totoong pulis si “Noy”, bad ang ginagawa nito kasi imbes dakpin nito si “Kiros” at ipasara ang drop balls at color games operation nito, aba, pinoproteksiyunan pa, buwisit!





Comments