Dehins knows kung magpifree lance o maghahanap ng regular na trabaho
- ROMA AMOR
- Dec 14, 2018
- 1 min read
Dear Roma,
Ako si Bea, 21 years old at graduate ng BA Communication. Wala pa akong regular na trabaho dahil ngayon ay nagpi-freelance photographer ako sa mga event tulad ng kasal, debut at binyag. Sa totoo lang, malaki ang kinikita ko sa bawat event na pinupuntahan ko, kaya lang, hindi palaging may event kaya madalas ay wala akong ginagawa. Ano ang dapat kong gawin? Dapat na ba akong maghanap ng regular na trabaho o mag-stick na lang ako sa pagpi-freelance ko? Maraming salamat, Roma! — Bea
Bea,
Kung kailangan mo ng regular na suweldo, maipapayo namin sa‘yo na maghanap ka ng full time na trabaho nang sa gayun, eh, kahit hindi malaki ang kinikita mo, mayroon ka pa ring pera kada buwan. Gayundin, kung sakaling may event na swak sa magiging day-off mo, eh, maaari mo ring pasukan ‘yun para may extra income ka. Maging matalino ka lang sa paggamit ng oras mo nang sa gayun ay magtagumpay ka sa buhay. Good luck sa‘yo, sis!





Comments