Basta make sure na hindi ka bida-bida, besh! MGA PARAAN UPANG MAKABUO NG MAGANDANG SAMAHAN
- BULGAR

- Dec 14, 2018
- 1 min read

MADALAS ka bang nauubusan ng isasagot sa tuwing nakikipag-usap ka sa ibang tao dahil awkward o kaya naman ay mahiyain ka, lodi? Don’t worry, dahil ito na ang tips para sa inyo upang hindi na kayo mahirapang makisalamuha sa iba:
1. ASK QUESTIONS. Kung puro “oo” o “hindi” na lang ang iyong maisagot sa kausap mo, subukan mo na ikaw naman ang magtanong tungkol sa paborito niyang pelikula, TV series, musika o sport.
2. WATCH YOUR BODY LANGUAGE. Kung nao-awkward-an ka na, besh, obserbahan mo pa rin ang iyong body language dahil kung minsan, nagiging dahilan ito upang ma-awkward-an din ang kausap natin. Isa na rito ang body posture, siguraduhing hindi ka magmumukhang tinatamad na makinig sa iyong kausap.
3. LOOK FOR COMMON LIKES. Obserbahan mo rin kung anu-ano ang madalas na banggitin ng iyong kausap. Sa ganitong paraan, maaari mong malaman kung ano ang mga hilig niya na posibleng hilig mo rin.
4. TRY TO RELATE. Kung may nabanggit siyang karanasan o kuwento, subukan mong ihambing ito base sa sarili mong experience. Kung hindi ka naman maka-relate, beshy, subukan mong magtanong ng mga bagay na may koneksiyon sa kanyang mga nabanggit.
5. LISTEN. Baka kaya ka nauubusan ng isasagot sa kausap mo, eh, dahil ang laman ng isip mo ay kung ano ang dapat mong gawin o sabihin. Mas mabuting ituon mo ang iyong atensiyon sa sinasabi ng kausap mo nang sa gayun ay makapag-follow-up question ka sa kanya kung kinakailangan. He-he-he!
Oh, ayan, mga lodi, gawin lamang ang tips na ito upang maiwasan ang awkward moments sa tuwing makikisalamuha kayo.
Copy?




Comments