2 naglilipat ng poste, nakuryente
- Jeff Tumbado
- Dec 14, 2018
- 1 min read
NASAWI ang isang construction worker habang malubha namang nasugatan ang kasama nito makaraang makuryente sa poste ng kuryente sa Quezon City.
Binawian ng buhay habang isinasalba sa Capitol Medical Center si Jeremiah Tecson, 25, boom truck operator ng C&F Construction and Development Corporation.
Nasa ospital naman ang kapwa obrero na si Aaron Bruña, 29.
Batay sa ulat ng Quezon City Police District, alas-12:15 ng hatinggabi nang maganap ang insidente sa center island sa Quezon Avenue, Bgy. West Triangle.
Naglilipat umano ng poste ng kuryente ang mga biktima nang bigla na lamang silang magkikikisay sa lugar hanggang sa kapwa bumagsak sa aspalto.
Nabatid na aksidente umanong sumabit ang dulo ng boom truck sa isang high tension wire na ino-operate ni Tecson.
Hindi umano agad nakabitaw sa kambiyo ng crane si Tecson nang dumaloy ang kuryente sa mismong boom truck kaya nakuryente ito habang nakuryente rin si Bruña habang nakaalalay sa labas ng truck.





Comments