Vendor todas sa suntok
PATAY ang isang vendor matapos suntukin sa Lambingan Bridge sa Sta. Ana, Manila.
Namatay habang ginagamot sa Sta. Ana Hospital dahil sa internal hemorrhage si Jonathan Magcaiyo, 22.
Sumuko naman ang suspek na si Cris John Beltran.
Batay sa imbestigasyon ni PO3 John Bucad, Disyembre 10, nang maganap ang insidente sa tulay ng Lambingan.
Bago ang insidente, nagsisiga ng kawad ng kuryente ang biktima upang ibenta nang sawayin ito ng isang alyas Kalbo, hanggang sa sumingit si Beltran at walang pakundangang sinuntok sa mukha ang biktima.
Bumagsak umano si Magcaiyo at humampas ang ulo nito sa semento dahilan para mawalan ng malay at isugod sa pagamutan kung saan nasawi rin ito.





Comments