top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Trapo at political families lang ang happy sa Pederalismo ni P-Digong, period!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 13, 2018
  • 2 min read

TRAPO AT POLITICAL FAMILIES LANG DAW ANG MAKIKI­NABANG SA PEDE­RA­LISMO NI P-DU­TERTE — Sa botong 224 (yes) at 22 (no) ay naaprubahan na sa Kamara ang resolusyon ni House Speaker Glo­ria Macapagal-Arroyo sa Charter Change (ChaCha) para sa isinu­sulong na Federal gov’t. ni P-Duterte at kabi­lang sa nakasaad dito ay wala ng term limit sa puwesto at puwede na rin sabayang kumandi­da­to sa eleksiyon ang mga magkakamag-anak na pulitiko.

Pagpapatunay iyan na hindi ang taumbayan ang makikinabang sa Pe­de­ralismo ni P-Duter­te, kundi ang mga trapo (traditional politician) at political family!

◘◘◘

NAHAWA NA SI 'PULONG' SA FAKE NEWS NI MOCHA — Para kay DND Sec. Delfin Lorenzana, fake news daw ang ibinulgar ni Presidential Son Pao­lo ‘Pulong’ Duterte na sangkot sina Jollibee, VP Leni Robredo, iba pang personalidad at kumpanya sa ‘Oust Duterte Movement’.

Iyan ang masama sa pagiging malapit ng tinaguriang ‘fake news queen’ na si ex-PCOO Asec. Mocha Uson sa mga Duterte, kasi pati ang anak ng presidente, natuto nang gumawa ng fake news, boom!

◘◘◘

MAY EJK NA SA MGA SUSPECTED ADIK AT PUSHER, MAGKAKA-EJK PA SA MGA SUSPECT­ED NPA SUPPORTER — Nakababahala ang pag­suporta ng DND, AFP, PNP, Senado at Kamara sa itatatag na ‘death squad’ ni P-Duterte na ang misyon ay pumatay ng NPA at sa mga pinaghihinalaang supporter ng NPA.

'Yung sa NPA, pu­we­de pa, kasi armado ang mga iyan at talagang lumalaban nang patayan sa mga militar at pulis, pero sa mga pinaghihi­nalaang supporters ng NPA, naku, nakakapa­ngamba iyan kasi mantakin n’yo, sus­pek pa lang, gusto nang ipalikida ni P-Duterte.

Kapag natuloy ang death squad ni P-Du­ter­te ay magmimistulang ‘killing fields’ na ang Pilipinas, kasi may EJK (extrajudicial killings) na sa mga maralitang suspected adik at drug pusher, tapos magkaka-EJK pa sa mga suspected supporter ng NPA, nakakatakot!

◘◘◘

RD JOEL CORO­NEL, IPINANGHI­HI­NGI NA NG PAYOLA, IPINANGHI­HI­NGI PA NG PA­MASKO — May mga tongpats collector daw sa Central Luzon ang nagpupunta sa mga iligalista at bukod sa weekly payola, ipinang­hihingi na rin daw ng pamasko si newly appointed PNP-Region 3 Director Joel Coronel.

Dapat ipatokhang na ni RD Coronel ang mga tongpats collector kasi malaking kasiraan sa kanyang pangalan ang raket ng mga ito sa Central Luzon, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page