top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Pinasok sa bahay | MISIS TINANGAY NG 10 ARMADO

Jeff Tumbado
Dec 13, 2018
1 min read

TINANGAY ng armadong grupo ang isang ginang makaraan silang pasukin sa kanilang bahay sa Bgy. Paslong, Bula, Camarines Sur.

Nagpapahinga sa kanilang kuwarto ang mag-asawang Philbert at Judy Asaula, 48, nang pasukin sila at atakihin ng nasa sampung lalaki na may dalang mga armas.

Ayon kay Chief Insp. Maria Luisa Calubaquib, isa sa mga suspek ang bumaril kay Philbert at tumama sa kanyang kamay habang ang ilan sa kanila ay puwersahang inilalabas ng bahay si Judy hanggang sa matangay na nila ito.

Bukod sa pulisya, humingi na rin ng tulong ang mister sa militar upang mapabilis ang paghanap sa kanyang maybahay at mapanagot ang mga salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page