top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pasyal, laro, pamamasko, pahinga at pagtulong sa gawaing-bahay, sulitin ngayong Christmas break

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 13, 2018
  • 2 min read

MAYROONG ilang pribadong paaralan ang nagtanong sa ating email kabilang na ang Academe Deo Favente sa San Mateo, Rizal tung­kol sa biglaang anunsiyo ng Department of Education (DepEd) sa huling araw ng klase ngayong taon.

Hindi maiwasang may mga nalito at nais kumpirmahin kung totoo ba ang balita kaya pi­nayuhan ng ating tanggapan sa nasabing pa­aralan na bigyang-linaw ito sa School Di­vision Superintendent ng San Mateo upang masagot ang anumang concern.

Ngunit, para na rin sa kaalaman ng lahat, ma­linaw na nakasaad sa DepEd Order No. 49, s. 2018 na mula sa unang inanunsiyo na Dis­yembre 22 ang simula ng Christmas break ng mga mag-aaral ay iniurong na ito ngayong pa­parating na Sabado, Disyembre 15.

Ayon pa rito, Enero 2, 2019 na ang class resumption ha­bang hanggang Abril 5 naman ang huling araw ng klase para sa School Year 2018-2019.

Sa ilalim naman ng DepEd Order No. 25, s. 2018, nilalaman ang opisyal na school calendar para sa kasalukuyang School Year.

Pinagka­looban ng diskrisyon ang mga pri­badong paara­lan na ipatupad ang kanilang sariling School Year Plan. Anumang pagka­kaiba o pagbabago ng plano ay maaaring isulat sa DepEd Division Office.

Sa pagpaplano ng mga paaralan ay pala­ging kasama sa pagpupulong ang lahat ng guro, mga magulang at maging ang ilang estudyante.

Kuwento nila, hindi biro ang gumawa ng listahan ng mga gawain para sa buong School Year mula Hunyo ng kasalukuyang taon hang­gang Mayo ng susunod na taon.

Kanilang ibinabatay ang listahan ng mga gawain sa mga programa ng pamahalaan tu­lad ng mga legal at special holiday at ang iba’t ibang okasyon o pagdiriwang ng mga local government unit (LGU) tulad ng paglulunsad ng kani-kanilang proyekto.

Lahat ng ito ay labis na pinahahalagahan ng mga eskuwelahan kaya masusing pag-u­usap ang kinakailangan para rito.

Lubos ding mahalaga ang pag-aayos ng iskedyul na ipinatutupad ng DepEd tulad ng Na­tional Achievement Test, National Career Assessment Examination, Teachers’ Day, Elec­tion Day at marami pang iba.

Gayundin, higit na binibigyang-prayori­dad ang pagbibi­gay ng mga quarterly test at pag­labas ng grades sa mga magulang kaya kung mayroong maan­tala ay maaapektuhan ang iba pang school activities.

Ating iginagalang at sinusuportahan ang mga patakarang ito na nagsisilbing magan­dang intensiyong bigyan ang mga mag-aaral ng sa­pat na panahon upang ipagdiwang ang ka­pas­ku­han kasama ang kanilang mga pa­milya.

Panigurado, maraming kabataan ang na­tuwa at agad na nagpaplano ng araw ng pas­yal, laro, karoling, pamamasko at pahinga.

Anuman ang maging aktibidad, ating pi­na­payuhan na mag-ingat at bigyan ng pag­kaka­taon ang sarili na makatulong sa ga­waing-ba­hay at ipakita ang pagmamahal sa mga magu­lang at mga kapatid.

Ibayong pag-iingat at Maligayang Pasko, mga mag-aaral at sa inyong pamilya!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page