top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pagbibigay ng limos, ipinagbawal!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 13, 2018
2 min read

ANG diwa ng Pasko ay maraming kahu­lugan, pag-ibig, pagmamahalan at pagbibi­ga­yan, kaya bukod sa pa­nga­­ngaroling, tiyak na marami na ring na­mamalimos sa mga lansa­ngan.

Kung saan muling ipinaalala ng Depart­ment of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na huwag bigyan ng limos ang mga street dweller lalo na ngayong kapaskuhan.

Ito ay dahil mas lalo umano silang nahi­hikayat na magpagala-gala sa mga kalsada at baka ito pa ang maging dahilan na mapa­hamak sila.

Sinabi ni DSWD Assistant Secretary at Spokesperson Glenda Relova, tu­wing sasa­­pit ang Pasko, maraming Bad­jao at Aeta ang pumupunta sa Maynila para mamalimos na ginagawa na nilang kabuhayan.

Gayunman, wala namang masamang mag­bigay lalo na at ‘yun talaga ang na­ging tra­disyon nating mga Pinoy, ang problema nga lang, kung patuloy tayong magbibigay sa kanila, mas tinu­turuan natin silang palagi na lang nakaasa sa atin at hindi magsikap para makaahon sila sa kahirapan.

Kaya naman ang panawagan natin sa mga kinauukulan, magsagawa ng mga programa na tiyak na makatu­tulong sa kanila nang sa gayun ay hindi na nila kakailanganing ma­malimos pa.

Kung posible, bakit hindi sila bigyan ng oportunidad na trabaho o pagka­kakitaan?

‘Ika nga, mas magiging matagum­pay ang indibiduwal kung kikita sila sa maayos na pamamaraan.

Samantala, sa isinusulong ng ahen­siya na #helpthehomelessph na may layong bigyan ng tama at responsableng tulong ang mga taong-kalye tulad ng gift-giving events, story-telling o art sessions, gayundin ang feeding pro­g­rams at medical missions, dapat natin itong suportahan.

Palagi nating tatandaan, pagtu­tulu­ngan ang kailangan ng bayan!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page