MRT nagkaaberya, 900 pasahero apektado

ISANG tren ng Metro Rail Transit 3 ang nagkaaberya kahapon ng hapon.
Sa advisory na inilabas ng Department of Transportation (DOTr), nagkaroon ng sira ang isa sa mga tren ng MRT-3 kaya napilitan itong magbaba ng mga pasahero sa southbound Cubao Station.
“Electrical failure in motor” ang sinasabing dahilan ng DOTr na nakaapekto sa 900 mga pasahero.
Makalipas ang siyam na minuto, naisakay din ang mga stranded na pasahero at agad ding naibalik sa normal ang biyahe.
Tiniyak naman ng DOTr na agad na magagawa ang nasirang bahagi ng tren dahil sapat ang kanilang mga spareparts.





Comments