Karnaper utas sa pulis
DEDBOL ang isang karnaper habang nakatakas ang kasama nito makaraang makasagupa ang mga awtoridad sa Bgy. Antipolo, Sta. Teresita, Batangas.
Ayon sa report, ala-1:45 ng madaling-araw nang magpanggap na buyer ng motorsiklo ang nagpanggap na agent.
Sa kanilang usapan, nakatunog umano ang suspek na si alyas Billy na mga pulis ang kanilang katransaksiyon. Agad umanong bumunot ng baril ang mga suspek at pinaputukan sila dahilan naman ng pagganti nila sa mga ito.
Bumulagta ang isa sa mga suspek at nakatakas ang kasama nito.
Narekober sa crime scene ang motorsiklong ninakaw, mga baril at iba’t ibang klase ng bala.





Comments