Jeepney driver binaril sa sentido
DEDO ang 57-anyos na jeepney driver matapos barilin ng hindi kilalang suspek sa loob ng kanyang ipinapasadang sasakyan sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.
Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang sentido ang biktimang si Daniel Alanes, Jr., ng Villa Tres Maria, Deparo.
Sa pahayag ni Michelle Canlas kina PO3 Jenny Ryan Rodriguez at PO1 Gilbert Telan, Jr., nanonood siya ng TV sa loob ng kanilang bahay nang makarinig ng putok ng baril kaya umakyat ito sa terrace sa ikalawang palapag ng bahay, alas-3:45 ng madaling-araw.
Nakita ng saksi ang wala ng buhay na biktima sa driver seat ng jeep nito sa kahabaan ng Bagumbong Road, kaya agad nitong ini-report ang insidente sa mga barangay official na humingi naman ng tulong sa PCP-6.
Patuloy na ang follow-up investigation sa insidente.





Comments