Hindi taas-suweldo ang solusyon sa kahirapan kundi bawas-presyo

TULOY ang implementasyon ng TRAIN Law 2.
Nanangkupo!
◘◘◘
TIYAK na lolobo nang todo ang presyo ng mga bilihin.
Paano na si Juan?
◘◘◘
MAY solusyon si Gov. Imee.
Suspendihin muna ang EVAT.
Klap! Klap! Klap!
◘◘◘
ISA ring mungkahi ng gobernadora na dagdagan ang ethanol sa gasoline.
Mas mura ang etnanol kaya bababa ang presyo sa merkado.
◘◘◘
KAILANGANG maresolba ang krisis.
Bago pa mag-2019, dapat ay may solusyon na agad ang pamahalaan.
Esep-esep!
◘◘◘
DATI-RATI ay 10 percent ang ethanol sa gasoline.
Pwes, gawing 20 porsiyento.
◘◘◘
MAS mura rin ang imported ethanol kaysa sa ethanol na nagmumula sa Pilipinas.
Kung gayun, umangkat ng ethanol.
Ganu’n lang kasimple.
◘◘◘
MAS okey sana kung magdesisyon agad dito ang Malacañang.
Magiging Santa Claus si P-Digong kapag naibaba niya ang presyo ng petrolyo.
◘◘◘
MARAMI ang dumaraing, wala silang disenteng Pasko ngayong 2018.
Paano matulungan ng pamahalaan ang mga nagdarahop?
◘◘◘
HINDI taas ng suweldo ang solusyon.
Ang solusyon ay ibaba ang presyo ng mga bilihin.
◘◘◘
NABAWI na ni P-Digong ang kampana ng Balangiga.
Hinahanap na lang ang “kampanerong kuba”.
◘◘◘
ANG kampana ay nabubuo mula sa mga tinunaw na alahas at mga barya noong sinaunang panahon.
Hindi kaya pinalitan na ng peke ang Balangiga Bells?





Comments