top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

BLAZE AT CARGO MOVERS, ABANGERS SA PSL FINALS

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 13, 2018
2 min read

MATUTUNGHAYAN na muli ang pinakapetmalu na magkaribal sa volleyball nang tuluyang pabagsakin ng Petron at F2 Logistics ang kani-kanilang kasagupa sa semifinals ng Philippine Superliga All-Filipino Conference noong Martes ng gabi sa Muntinlupa Sports Center

Unang tinigpas ng Blaze Spikers ang Cignal, 25-21, 25-20, 25-16, habang binura ng Cargo Movers sa bisa ng 21-25, 25-15, 25-20, 19-25, 15-5 victory ang Generika-Ayala upang maiselyo ang rematch ng kanilang best-of-three finals duel. Sisimulan ang Game 1 finals ng pres­tihiyosong women’s club league sa Sabado sa Mall of Asia Arena.

Samantala, pakay wali­sin ng University of Santo Tomas ang preliminaries laban sa De La Salle-Dasma­riñas sa Collegiate Grand Slam ng torneo na isinasaere ng ESPN5. Magsisimula ang aksiyon ng 7 p.m. kasu­nod ng 4:15 p.m. na engku­wentro sa pagitan ng University of the East at Colegio San Agustin-Biñan.

Pero ang lahat ay naka­abang sa titular showdown, dahil rematch ito ng bak­bakan sa pagitan ng Petron at F2 Logistics na ilang taon na ring finalist ang mga ito. Ang una nilang finals encounter ay noong 2016 nang pabagsakin ng Cargo Movers ang Blaze Spikers at masungkit ang All-Filipino crown.

Nang sumunod na taon, ipinambalandra ng Petron ang roster ng mga petmalu na players na sina Mika Reyes, Bernadeth Pons, Remy Palma at Sisi Rondina upang makaresbak sa All-Filipino jewel.

Pero gumihay ang Blaze Spikers nang sumunod na conference nang kunin ng Cargo Movers si Maria Jose Perez ng Venezuela at Ken­nedy Bryan ng United States upang maging import at sungkitin ang titulo sa Grand Prix.

Muling rumesbak ang Petron at inagaw ang korona sa F2 Logistics, salamat sa pagdating ni Katherine Bell na humalili sa injured na si Hillary Hurley sa krusyal na laban ng 2018 Grand Prix, kung saan pakay ng Blaze Spikers na maging unang team na makawalis ng season.

Pero hindi pumayag dito ang Cargo Movers. Tinupad ng F2 Logistics ang plano nang kunin ang back-to-back victories sa best-of-three finals ng Invitational Conference na siya namang sinikap muli ng Petron na magbalik sa drawing board at planuhin ang paghihiganti sa All-Filipino Conference.

Umaapoy ang mga mata ng Blaze Spikers habang lumalaro nang pumoste ng 10 straight wins sa preliminaries kasunod ng impre­sibong panalo sa Sta. Lucia sa quarterfinals at Cignal sa semifinals upang makahak­bang sa dalawang panalo at makuha ang titulo. “Our win over Petron depends on the hunger and willingness of my players,” ayon kay F2 Logistics head coach Ramil de Jesus at inaasahan nang giyera ang laban kontra sa pinakatalented na clubs. “Our battle against them always goes down the wire. It won’t be easy. That’s why we will use the next few days to polish our game and prepare against them.”

Bagamat ayon kay Pet­ron coach Shaq Delos Santos na nagwagi sila laban sa F2 Logistics sa una nilang laban, palaban pa rin daw ang karibal na tropang Cargo. “They’re on a roll,” ani Delos Santos, na pakay ng team na walisin ang conference. “We have to do our homework and prepare for them because it’s really hard to stop a squad that is reaching its peak. The finals will be anybody’s ballgame.” (MC / VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page