top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

6 huli sa akto | DOOR-TO-DOOR DELIVERY NG DROGA, BUKING

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 13, 2018
1 min read

KULONG ang anim na suspek kung saan nabisto ang estilong door-to-door delivery ng droga sa Cavite.

Sa ulat sa Balitanghali, makikita sa surveillance video ng Bacoor Police na tuloy pa rin ang pagbibilang ng pera at pag-aabot ng droga sa parukyano sa tabing-kalsada kahit may mga dumaraan.

Nang makasakay na ng sasakyan ang mga suspek, hinabol na sila ng mga pulis.

Nahuli ang anim na suspek kabilang ang umano’y lider ng drug group na si Grace Elarin.

Narekober sa kanila ang halos P400,000 halaga ng shabu at ang sasakyang ginagamit nila sa door-to-door delivery.

Wala umano silang pinipiling barangay kahit dis-oras ng gabi o umaga.

Iginiit naman ng sinasabing lider na napag-utusan lang siyang mag-deliver. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page