Walang korupsiyon, walang problema sa bansa, period!

IKATLO lang daw sa survey sa pagka-mayor si Erap?
Hindi nga?
◘◘◘
ANG magkatunggali raw sa laban ay sina “Isko” at Fred Lim sa Maynila.
‘Yan ay noon pang 2016 survey!
◘◘◘
TALIWAS sa pagkakaalam ng marami, mahigpit ang laban ng Pamilya Cayetano sa Taguig.
Bakit kaya?
◘◘◘
SA Kyusi, magboboykot ang mga botante kasi hindi normal ang proseso ng eleksiyon dito.
Hindi na mahalaga ang boto sa Kyusi.
Nasaan na ang demokrasya?
◘◘◘
PORMAL na tatanggapin ni P-Digong ang Balangiga Bells sa Samar.
Madrama!
◘◘◘
NAGBUO ng National Task Force kontra sa CPP-NPA-NDF.
Bagong gimik!
◘◘◘
DAPAT maunawaan ng lahat na tanging bagong ideolohiya lamang ang maaaring tumalo sa lipas nang ideolohiya.
Kapag walang bago, napagkakamalan puwede ang luma!
◘◘◘
KORUPSIYON ang susi ng lahat ng problema ng bansa.
Mas grabe ito kaysa illegal drugs!
◘◘◘
KAPAG nasugpo ang korupsiyon, masusugpo rin ang ipinagbabawal na gamot.
Ibig sabihin, mananatili ang droga hangga’t sandamakmak ang korup sa pamahalaan!
◘◘◘
BILYUN-BILYONG piso ang nanakaw umano sa LGU.
Ang mga Local Government Unit ay nangongolekta raw ng kung anu-anong bayarin nang walang “lehitimong resibo”.
Ibig sabihin, bilyun-bilyong piso ang nasa bulsa ng LGU executives at mga amuyong?
◘◘◘
KUNG papasok sa “government treasury” ang mga koleksiyon sa LGU, hindi na kailangan ang mga bagong buwis.
Pero, mula sa barangay, munisipyo, siyudad at lalawigan—at nangongolekta ng mga “illegal fees”.
◘◘◘
ANG nagkalat na vendor ay nagbibigay ng regular na tara sa mga barangay at city municipal government.
Karaniwan ay kolektor ng LGU ang umiikot at hindi ipinapasok sa kaban ng bayan!





Comments