top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Wala nang kiyeme, prangkahan na! BELA, UMAMIN NA SA RELASYON NILA NI JM

Nitz Miralles
Dec 12, 2018
1 min read

DIRETSHO ang sagot ni Bela Padilla na “No” sa tanong ng isang netizen kung boyfriend ba niya si JM de Guzman. Ang rason ng tanong, lagi raw naki­kitang magkasama ang dalawa. Mabuti at hindi na­basa ng mga fans nina JM at Barbie Imperial ang tanong dahil baka magselos kay Bela ang JuanBie fans.

Eh, si Bela, mula nang mag-break sila ni Neil Arce, hindi na nag-boyfriend. Nali-link siya sa mga nakakatrabahong aktor, pero wala siyang naging dyo­wa at focused lang sa trabaho. Heto nga at sinubukan sa comedy sa Fantastica at dahil nag-enjoy, baka masun­dan pa ang paggawa niya ng comedy.

Nabanggit nitong nanibago siya sa shooting ng movie ni Vice Ganda dahil bukod sa marami ang cast (16 sila lahat), marami ring camera na ginamit. Nasanay siya sa two cameras lang at konti lang ang cast ng movie na ginagawa.

“Sobrang fan din ako nina Chokoleit, Lassy Marquez, MC Muah at Juliana Pariz­cova Segovia, kaya mas nag-enjoy ako sa shooting. Lagi akong excited ‘pag kaeksena ko sila and of course, nag-enjoy ako working with Vice Ganda,” sabi ni Bela.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page