SINO ANG MAS GUTOM SA KORONA: ALEX O CHITO?

MAITABLA kaya ng Alaska Aces ang serye sa 2-2 sa best-of-seven sa Governor’s Cup? Malalaman ito ngayon sa muling pakikipagharap ng Aces sa Magnolia Hotshots ng 7 p.m. sa Araneta Coliseum na inaasahan na maraming manonood dahil tapos na ang UAAP na napagharian ng Ateneo Blue Eagles kontra UP Fighting Maroons.
Tinalo ng Aces ang Hotshots, 100-71, kung saan umiskor si Mike Harris ng game high 33 points at pigilin ang mga bata ni coach Chito Victolero na humakbang pa sa korona na binakante ng Barangay Ginebra via sweep sa Ynares Center sa Antipolo City. Tinalo ni Harris si Romeo Travis sa kanilang personal duel at determinado na muling mangibabaw sa kanilang match-up ang kababata ni NBA superstar LeBron James ng Los Angeles Lakers.
Sinabi ni Alaska coach Alex Compton na muling nabuhayan at tumatag ang title campaign ng Aces at umaasa ang Amerikanong coach na maitatabla nila ang serye. “The win bolstered the morale of my players. They are in high spirit and energized,” sabi ni Compton na target ang unang titulo sa PBA.
Mas gutom sa korona si Compton kaysa kay Chito Victolero at determinado na ibalik ang Alaska Aces sa victory stand at mapasama sa elite “club of champions.”
Mula nang lisanin ni coach Tim Cone ang Alaska at lumipat sa Barangay Ginebra hindi na nakatikim ng titulo ang Aces at iyan ang target ni Compton. Muling pangungunahan ni Harris ang opensiba katuwang sina Chris Banchero, Simon Enciso, Kevin Racal, JV Casio, Jeron Teng, Vic Manuel, Chris Exciminiano, Nonoy Baclao at Sonny Thoss. Hindi lang sa opensiba, nakahandang tulungan nina Manuel, Thoss at Baclao si Harris na bantayan ang shaded area upang hindi maka-penetrate ang Hotshots.
Sinabi ni Victolero na biglang nawala sa pokus ang laro nang kanyang mga bata at inaasahan niyang babalik sa porma ang Hotshots sa Game 4.
“We played disorganized game. Our offense and defense not complimented each other. We made poor shots selection and lapses into a maze of errors,” wika ni Victolero. “Game 4 is another game. We’ll bounce back. We have to get our act together and consolidate our efforts. Travis will get back to his usual form and deliver the needed points like he did in the first two games of the playoff,” ani Victolero.
Inaasahang magiging impresibo ang deadly frontline nina Paul Lee, Marc Anthony Barroca, Jio Jalalon, Justine Melton at Rome de la Rosa maging sina Rafi Reavis at Ian Sangalang para bantayan ang shaded lane.





Comments