top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pawnshop dinale ng termite gang

Levi Gonzales
Dec 12, 2018
1 min read

NASA higit P400,000 cash at iba’t ibang klase ng mamahaling alahas ang natangay ng sinasabing Termite Gang sa Bgy. Angeles Zone 1, Tayabas City, Quezon.

Batay sa inisyal na ulat, alas-6:30 ng gabi, pinasok ng hindi pa mabilang na suspek ang sangay ng Unit Trade Pawnshop kung saan naghukay saka winasak ng mga suspek ang sementadong sahig ng naturang pawnshop.

Mabilis nilang isinagawa ang kanilang pagtangay sa nasabing halaga at mga alahas. Pinaniniwalaang ang grupo ng Termite Gang ang responsable sa insidente dahil sa estilo ng kanilang modus sa kanilang operasyon.

Patuloy ang pagkalap ng kapulisan sa pagkakakilanlan ng mga suspek kung may CCTV footage sa nasabing lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page