top of page
Pokwang.jpg

Para maiwasan ang depresyon, anxiety at lahat ng kanegahan! TIPS SA MATALINO AT RESPONSABLENG PAGGAM

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 12, 2018
4 min read

SOCIAL MEDIA, isa sa pinaka-‘viral’ ngayon — mapabata, matanda, mahirap, mayaman at middle class ay siguradong may sarili nang social media account. Kung minsan pa nga, pati mga alagang aso, pusa, daga o kahit ano pang hayop ay ginagawan na rin ng sariling account. Sino na lang ba ang hindi updated? Lahat siguro tayo ay nakikisabay na sa uso, at ito nga ang pagkakaroon ng account sa social media.

Ano nga ba ang social media? Ang social media ay isang website o application na nagbibigay-pahintulot sa mga ‘user’ nito na makipagdayalogo o makipag-usap, mag-post at makapag-share. Madaling gamitin ang social media pero, kung minsan, dahil sa sobrang madali ay nagiging mas kumplikado at problema ito sa nakararami na puwedeng magresulta ng krimen, health issues at ang pinakamalala ay ang pagkaadik dito.

Palagi mo bang hawak ang iyong gadget at maya’t maya kung tingnan ang iyong notifications, updates, messages atbp.? Kung ganu’n, baka may adiksyon ka na nga sa social media. Narito ang tips na puwede mong gawin para makaiwas sa social media:

1.USE IT FOR IMPORTANT MATTERS. Madalas tayong gumagamit ng social media dahil gusto nating magpalipas ng oras o maglibang. Ngunit, ang unang hakbang upang makaiwas dito ay gamitin ang social media accounts sa importanteng bagay lamang tulad ng komunikasiyon.

2.NO SOCIAL MEDIA UNTIL 9 P.M. Yes, besh, upang maiwasan ang pagpupuyat, kai-scroll sa social media, mabuting i-log out na ang iyong account pagsapit ng alas-9:00 ng gabi.

3.USE ALARM CLOCK. Bakit? Kung cellphone ang iyong gagamitin na pang-alarm, besh, may tsansa ka pang matukso na mag-log in agad sa iyong social media kapag nahawakan mo ang iyong mobile phone.

4.NO SOCIAL MEDIA UPDATES TODAY. Kung madalas kang mag-update sa Twitter, Face­book, Instagram at iba pa, unti-unti mo nang sanayin ang sarili mo nang walang social media. He-he-he!

5.USE EMAILS. Kung trabaho lang din naman ang dahilan ng paggamit mo ng social media, besh, eh, mas mabuti pa na email na lang ang iyong gamitin sa pakikipag-usap. Mas pormal na, makaiiwas ka pa sa tukso ng social media.

6.NO PHONE DURING MEALS. Yes, beshy, kung palagi kang ‘IG story muna bago kumain’, dapat ‘pray muna bago kumain’ para sure na may kakainin ka pa sa susunod na pagkakataon, lodi!

7.DEACTIVATE SOCIAL MEDIA ACCOUNTS. Wala nang paliguy-ligoy pa mga besh, i-deactivate ang inyong account sa iba’t ibang social media networking sites.

8.UNINSTALL SOCIAL MEDIA APPS. Upang hindi matukso na mag-reactivate ng account, burahin ang mga social media application sa iyong cellphone o gadget.

9.REPLACE SOCIAL MEDIA WITH OTHER ACTIVITIES. Ngayong nabura mo na ang mga social media application sa iyong gadget, oras na para gumawa ka ng mga aktibidad na hindi konektado sa kahit na anong gadget at social media sites.

10.ONE HOUR OF ACTIVITY YOU NEVER DONE. Besh, kung may gusto kang gawin ngunit, hindi mo magawa dahil busy kang mag-social media, ito na ang tsansa mo upang gawin ang bagay na ‘yun. Go, go, go!

11.USE NEWSPAPER. Kung ginagamit mo ang social media para magbasa ng mga latest na balita, it is time para diyaryo naman ang silipin mo sa pagkuha ng mga balita. Mula sa pag-scroll mo sa iyong feed tuwing umaga, subukan mong magkape habang nagbabasa ng diyaryo.

12.EXERCISE. Dahil maaga ka nang nagising, besh, sulitin ito sa pamamagitan ng pag-eehersisyo dahil bukod sa nakagaganda ito ng sirkulasyon ng dugo, may benepisyo ring naibibigay ang sikat ng araw sa ating balat.

13.UPDATE YOUR JOURNAL. Nagmistulang diary na natin ang social media sites dahil dito tayo kadalasang nag-a-update ng mga nangyayari sa buhay natin at kung minsan, dito natin inilalabas ang thoughts natin. Ngunit, mabuti rin na isulat natin sa journal ang mga pangyayari sa buhay natin. Maaari ring dito isulat ang mga naiisip natin. At least, private, ‘di ba? He-he-he!

14.DO MUSEUM VISITS. Oo, besh! Masayang magbalik-ta­naw sa ating kasaysa­yan. Hindi lang ‘yun, marami ka pang madi­diskubre kapag ikaw ay bumisita sa mga museum. Maraming mga artist ang puwede mong makilala at mara­ming bagay ang puwede mong maunawaan tungkol sa society, history, art at iba pa.

15.LOOK AT YOUR CHILDHOOD PHOTOS. Hindi lang sa social media mayroong throwback, besh. Puwedeng-puwede mong gawin ito gamit ang iyong photo album noong bata ka pa. Sa pagtingin dito, tiyak na babalik ang mga alaala ng iyong masayang pagkabata.

16.SPEND MORE TIME WITH YOUR FAMILY. Maraming paraan ang puwede mong gawin para magkaroon ng ‘quality time’ kasama ang iyong pamilya. At kung minsan, ang pinakasimpleng bagay pa ang pinaka-memorable sa lahat. Puwede mong tulungan ang kapatid mo sa paggawa ng kanyang assignment o kaya ay makipagkuwentuhan ka sa masungit mong ate o kuya, puwede mo rin tulungan ang mama mo sa pagluluto, malay mo dagdagan pa niya ang allowance mo. He-he-he!

17.READ BOOKS. Ang pagbabasa ay isa sa pinaka-informative na libangan na puwede mong gawin, dahil sa pagbabasa, maaari kang makapunta sa iba’t ibang lugar o maka­kilala ng iba’t ibang tao kahit nakaupo ka basta ga­mitin mo ang iyong imahi­nasyon. Hindi lang ‘yun, marami ka ring madidis­kubre at matututunan na panibagong bagay kapag ikaw ay nagbasa.

18.WATCH MOVIES. Kung hindi ka naman mahilig magbasa, enjoy ding libangan ang panonood ng pelikula. May iba’t ibang genre ito depende sa iyong gusto o mood. Makitawa, makiiyak, magduda, matakot at matuto sa pelikulang iyong panonoorin.

19.STUDY. Kaysa pag-i-scroll sa newsfeed ang iyong inaatupag, maaari kang mag-advance study o gawin ang iyong mga takdang-aralin. Tandaan, lamang ang may alam!

20.SPEND TIME WITH FRIENDS. Hindi lang ang ating ina, ama, kapatid at mga kamag-anak ang maituturing nating pamilya kundi pati ang ating barkada o mga beshie ay pamilya rin natin sa labas ng ating tahanan. Spend more quality time with them at mas palalimin ang inyong pakikipagkaibigan at siyempre, create more wonderful memories kasama sila.

Oh, ayan, mga bro at sis, kung minsan, kailangan ninyong mag-disconnect sa mundo ng social media upang maka-connect muli sa mas makabuluhang bagay tulad ng iyong sarili at mga taong malalapit sa’yo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page