Papuntang ospital | KOTSE SUMALPOK SA BAHAY, 4 PATAY
APAT katao ang patay sa nangyaring aksidente sa Orani, Bataan Martes ng madaling-araw.
Kinilala ang mga nasawi na sina Rogelio Santiago, 40; Aurelio Santiago, Jr.; Raymond Tesaluna at Juvy Torres. Naganap ang aksidente sa kahabaan ng Gov. Pascual Road, Bgy. Tugatog.
Sakay ang mga bitkima ng Toyota Vios nang sumalpok ito sa isang bahay sa pakurbadang bahagi ng kalsada.
Dead-on-the-spot sina Rogelio, Raymond at Aurelio habang idineklarang dead-on-arrival sa ospital si Torres.
Napag-alaman na nakatakda sanang dalhin sa ospital si Torres para magpatingin doon dahil mayroon itong sakit.





Comments