top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pagkakataon na maaaring maipasara ang kumpanya kahit hindi ito nalulugi

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 12, 2018
1 min read

Dear Chief Acosta,

Magandang araw! Nais kong malaman kung maaari bang ipasara ang kumpanya kahit hindi ito nalulugi? — Allison

Dear Allison,

Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinalakay ng ating Korte Suprema sa kaso ng Capitol Medical Center, Inc.et al. vs. Dr. Cesar E. Meris (G.R. No. 155098 – September 16, 2005) na isinulat ni Mahistrado Conchita Carpio-Morales kung saan ipinali­wanag na: “Clearly then, the right to close an establishment or undertaking may be justified on grounds other than business losses but it cannot be an unbridled prerogative to suit the whims of the employer.

The ultimate test of the validity of closure or cessation of establishment or undertaking is that it must be bona fide in character. And the burden of proving such falls upon the employer.” (Binigyang-diin)

Samakatwid, maaaring ipasara ang kumpanyang hindi nalulugi kung ang sanhi ng pagsasara nito ay balidong dahilan at hindi ito ginawa upang manloko ng ibang tao o tumakas sa anumang obligasyon.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page