Nadala na sa mister na bata… SUNSHINE, MASYONDANG LALAKI NA ANG GUSTONG MAGING DYOWA
- BULGAR

- Dec 12, 2018
- 2 min read

ISANG hiwalay sa asawa ang ginagampanan ni Sunshine Dizon sa Rainbow’s Sunset tulad din ng sitwasyon niya in real life. ‘Yun nga lang, sa pelikula ay may karelasyon siyang mas bata sa kanya na ginagampanan ni Albie Casiño.
In real life, hindi naman daw niya masabing hindi siya magpapaka-cougar dahil hindi naman natin sure ang mangyayari in the future.
“Ang hirap kasing magsalita, dahil alam mo ‘yun, I’m in a situation wherein bakit hindi kung may magmamahal sa ‘yo?
“Pero ako, to be honest, ayoko ng bata, ayoko, sa totoo lang. Gusto ko, someone older. Gusto ko, kung mag-aasawa ako uli, someone naman who will take care of me na ako naman ‘yung baby. Gusto ko ma-feel ‘yun. Oo, totoo,” sey ni Sunshine.
Ayaw na rin daw niya ng kaedad niya. She’s 35 right now at gusto niya, someone who’s 40-45 yrs. old naman daw.
“Basta ma-feel ko na ako naman ang reyna, ako ‘yung prinsesa, he will pamper me, he will take care of me, ‘yun ang gusto ko. Ayoko na ‘yung ako ang nagdedesisyon lahat, masakit sa ulo!” natatawa pang pahayag ng aktres.
Two years older si Shine sa kanyang estranged husband na si Timothy Tan kaya next time raw na magmahal siya, gusto naman daw sana niya ay mas matanda na sa kanya.
“Para naman nai-stimulate ang brain cells ko kapag nag-uusap, hindi ba? Hindi ‘yung… Ang hirap, eh, kasi alam mo, mas mabilis mag-mature ang babae kesa sa lalaki kaya mas maganda ‘yung medyo may-edad nang konti.”
Pero sa ngayon ay wala naman daw siyang love life at ayaw na muna niyang isipin ito since hindi pa naman sila annulled ni Timothy.
Anyway, sa darating na Kapaskuhan ay baka kani-kanya na raw sila ni Timothy. Last year ay magkakasama sila sa US kahit na hiwalay sila at okay lang naman daw ito dahil para naman sa mga bata ang pagsasama nila.
“Ngayon naman, sa family ko, sa Dizon’s side naman. Siguro siya, with his family. Kani-kanya muna kami,” she said.
Busy ang holidays ni Shine ngayon dahil nga magpo-promote siya ng Rainbow’s Sunset bilang isa ito sa mga official entries sa 44th Metro Manila Film Festival na magbubukas sa Dec. 25.





Comments