top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Lambanog na ‘di rehistrado, kumpiskahin — FDA

Madel Moratillo
Dec 12, 2018
1 min read

IPINAG-UTOS na ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagkumpiska sa lahat ng hindi rehistradong lambanog sa merkado.

Tiniyak ng FDA na patuloy ang kanilang ginagawang monitoring upang matiyak na wala nang ipinagbibiling hindi rehistradong lambanog.

Matatandaang, lumitaw sa pagsusuri ng FDA at ng Department of Health-Epidemiology Bureau na ang mga lambanog na ininom ng mga biktima ay hindi rehistrado at may mataas na antas ng methanol na maaaring naging dahilan umano ng pagkamatay ng mga ito.

Paliwanag ng FDA, ang mga hindi rehistradong produkto ay posibleng may hatid na panganib sa kalusugan dahil hindi ito dumaan sa kanilang pagsusuri.

Nagbanta rin ang FDA na sasampahan ng mga kasong kriminal ang sinumang mahuhuli na nagbebenta ng mga hindi rehistradong lambanog at iba pang nakalalasing na inumin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page