top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

LAKERS, DINALE ANG HEAT SA FINAL GAME NI WADE

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 12, 2018
1 min read

UMISKOR si Kyle Kuzma ng 33 points, dumagdag si LeBron James ng 28 nang talunin ng Los Angeles Lakers ang bisitang Miami Heat 108-105 kahapon para sa ika-6 na panalo sa pitong laro.

Sa kanilang final game sa Los Angeles at final matchup kontra dating teammate James, humalibas si Dwyane Wade ng 15 puntos at 10 assists makaraan ang pagkolekta ng 25 puntos noong Linggo sa road win ng Heat laban sa Los Angeles Clippers.

Si Wade na paretiro na makaraan ng season na ito ay hindi nakagawa ng unang iskor hanggang sa nalalabing 5 minuto sa 3rd quarter. Nagbukas ang laro na may pagpupugay at pagbibigay respeto. Nagpalabas pa ang Lakers ng video tribute para kay Wade sa kalagitnaan ng timeout sa first quarter. At saka nagbatian sa bawat isa sina Wade at James sa gitna ng court.

Patuloy na ‘di pa rin nakakaiskor si Wade sa first half, sablay ang lahat ng limang field-goal attempts. Pero mayroon siyang 6 assists. Hawak ng Heat ang 58-55 lead sa halftime sa likod ng 17 puntos ni Justise Winslow.

Namuno si Winslow sa Heat na may 28 puntos at 11-of-12- shooting sa field, kabilang na ang 6-of-10 ng tres puntos. Umiskor si Bam Adebayo ng 12 puntos at sumunggab ng 10 rebounds para sa Miami. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page