After 117 years | BALANGIGA BELLS, NAIUWI NA
- Jeff Tumbado
- Dec 12, 2018
- 1 min read

MATAPOS ang 117 taon, naibalik na sa Pilipinas ang tatlong makasaysayang kampana o ang tinaguriang Balangiga Bells na kinuha ng mga sundalong Amerikano noong panahon ng Filipino-American war noong 1901.
Sakay ang mga kampana sa U.S. Airforce C130 aircraft nang dumating sa Villamor Airbase sa Pasay, alas-10:30 ng umaga.
Dalawa sa mga kampana ang galing ng U.S. Airforce base sa Wyoming, USA habang ang isa ay nagmula sa military base sa Camp Red Cloud sa South Korea.
Pormal namang pinangunahan nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at U.S. Ambassador to the Philippines Sun Hyun Kim ang pagtanggap sa Balangiga Bells na nakapaloob sa dalawang malaking kahon.
Nagkaroon ng paglalagda ng certificate of transfer and acceptance sa pagitan nina Lorenzana at Kim sa ginanap na handover ceremony bilang simbolo ng pagsasauli ng Amerika sa Pilipinas ng mga kampana.
Nagkaroon naman ng public viewing sa makasaysayang mga kampana simula kahapon bago ito dalhin at ibalik muli sa Simbahan ng San Lorenzo De Martir o Balangiga Church sa Eastern Samar sa December 15.
Setyembre 1901 nang kunin ng mga Amerikano na pinamumunuan ni Gen. Jacob Smith ang mga kampana bilang kanilang tropeo matapos ipag-utos nito na pagpapatayin ang mahigit 100 Pilipino mula 10 taon pataas noong sumiklab ang Filipino-American war.





Comments