44 MEDALS, HINAKOT NG NOYPI SA 4-NATION BIMP-EAGA GAMES

HUMAKOT ng medalya at muli na namang ipinakita ng mga Pinoy ang kanilang winning prowess sa 13-14-17 total medals sa 2018 four-nation BIMP-EAGA Friendship Games na ginawa sa Hassanal Bolkiah National Stadium.
Nilapatan ng finishing touches nina John Lloyd Cabelo, Jessel Lumapas, Elah Janica Liwag, Juan Miguel Dalangin, Fritz Jun Rodriguez at Mark Anthony Casenas ang medal campaign ng ‘Pinas na nanalo sa kanilang paboritong events at muling kunin ang paghanga ng mga kalaban mula sa tatlong mga bansa.
Nagwagi si Lumapas sa 100m na kanyang dinomina sa Palarong Pambansa at nakoronahan siyang “queen of sprint” habang wagi si Cabelo ng dalawang ginto sa athletics sa pagtatapos ng weeklong sports competition. Namayani rin sina Liwag at Dalangin sa mixed doubles poomsae taekwondo, wagi si Rodriguez sa swimming at nanalo si Casenas sa men’s long jump na tumalon ng 6.77 meters.
Tumapos ang ‘Pinas ng 13-14-17 total medals kung saan ang Mindanao-Davao ay 4th overall 10-12-13 habang ang Palawan ay 10th 3-2-4 sa biennial meet. Sinabi ni delegation head PSC Commissioner Charles Raymond Maxey na kahanga-hanga ang ipinakita ng mga Pinoy sa kanilang malakas na kompetisyon. “Our athletes made impressive showings despite strong opposition. They showed their worth and overcame strong challenge from other athletes. I praised them for their efforts,” sabi ni Maxey.
Gagawin sa ‘Pinas ang 2020 edition matapos ang Tokyo Olympics at Southeast Asian Games sa ‘Pinas. Ito ang pang-apat na beses na gagawin sa bansa ang 11-nation SEA Games mula 1981. Ang advocacy ng torneo ay palakasin ang pagkakaisa, pagbibigkis, pagkakasundo, pakikipagkaibigan at pagkakaintindihan ng mga mamamayan ng apat na bansa sa Southeast Asia sa pamamagitan ng sports.





Comments