top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pinsan nakapulot ng baril | 7-ANYOS, SAPOL

Gina Pleñago
Dec 11, 2018
1 min read

NABARIL ang 7-anyos na lalaki ng kanyang 17-anyos na pinsan sa Pasay City.

Ginagamot sa ospital si alyas Boboy dahil sa tina­mong tama ng bala ng baril sa bandang kanang puwit mula sa ka­libre. 38. Nasa kustodiya naman ng Pasay City Police ang pin­­san ng biktima na itinago sa pangalang Rex, 17, na­haha­rap sa kasong serious phy­sical injury.

Ayon kay Pasay City Po­lice Chief Sr. Supt. Noel Flores, naganap ang insi­dente alas-7:20 kamakalawa ng gabi sa Bgy. 184, Maricaban. Ikinatwiran ni ‘Rex’ na napulot niya ang baril sa isang tricycle at aksidente niyang nabaril ang pinsan.

Ayon naman kay Sr. Supt. Flores, hindi sila nani­niwala sa katuwiran ng sus­pek dahil may record ito na nakulong dahil sa kasong droga at theft.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page