top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Para maiba naman ngayong Holiday Season, lodi! ALAK NA NAKALAGAY SA LOBO, PATOK!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 11, 2018
  • 2 min read

NAKASANAYAN na natin ang pag-inom ng alak sa baso o bote at da­hil dito ay nara­ranasan natin ang hang­over. Pero, knows ba ninyo na may naimbento ng alak na ini-inhale mula sa lobo at hin­di nakaha-hang­over? Weh, ‘di nga?

Mayroon nang nakaim­bento ng makabagong para­an ng pag-inom ng alak kung saan sa halip na na­kalagay sa bote, ngayon ay may ibang paraan na.

Ang nasabing alak ay ti­nawag na Cloud Buzz kung saan ito ay isini-serve sa pamamagitan ng lobo.

Ayon sa mga developer nito, puwede itong maging kahit na anong klase ng alak depende sa iyong kagus­tu­han.

Puwedeng maging rum, whiskey o regular na beer.

Bukod sa inhalable drink, nadiskubre rin ng mga deve­loper ang portable vaporiser kung saan ito ang ginagamit upang malagyan ng hangin ang lobo gamit ang maliit na device na hugis baril.

Upang matikman ang nasabing inumin, kailangan munang gamitin ang vapo­riser upang malagyan ng hangin ang lobo at para ma-enhance ang lasa nito.

Kapag nag-vaporise na ito at naging ‘misty’ ang con­sistency, puwede na itong i-inhale mula sa lobo para ma­tikman ang alak.

Gayundin, tumatagal lamang ng 15 hanggang 30 minuto ang epekto ng inu­min at dahil sa maikling oras na epekto nito, siguradong hin­­di kayo makararanas ng hang­over kahit marami pa ang mainom ninyo.

Sa ngayon ay hindi pa ibinebenta sa merkado ang nasabing inhalable drink, ngunit, naglilibot na sila sa iba’t ibang lugar para ipa­subok ang kanilang imbensi­yon sa mga tao.

Samantala, ayon sa mga developer, ang nasabing inu­min ay ilo-launch sa dara­ting na February, sa susunod na taon.

Kaya para sa mga beshy natin diyang alak is life, pero ayaw ng hangover at sa mga mahihilig sumubok ng mga bagong imbensiyon, para sa inyo ‘to!

Pero tandaan, drink res­ponsibly.

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page