Mister pinagbabaril sa lamay
Paul Lamsen
Dec 11, 2018
1 min read

ISANG mister ang nasawi makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek kamakalawa ng gabi sa Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Orlando Pelaris, nasa hustong edad, may asawa at naninirahan sa nabanggit ding lugar.
Ayon sa imbestigasyon, nasa lamay ng kanyang kaanak ang biktima nang lapitan ng mga suspek saka pinagbabaril sa ulo.
Patuloy pang inaalam ang motibo ng pamamaril at pagtugis sa mga salarin.





Comments