Mga nakamamatay na bulok na trak at bus, pinapayagan pa ring bumiyahe, bakit?

INARESTO ang kelot nang magnakaw ng isang de-latang luncheon meat.
Baka natakam lang?
◘◘◘
NAGPIYANSA na si Sen. Antonio Trillanes IV.
Ganu’n lang?
◘◘◘
NAGRETIRO na si AFP Chief of Staff General Carlito Galvez.
Saan kaya siya isisingit sa gobyerno?
◘◘◘
HINAHANTING ang mga may pakulo sa “Oust Duterte Movement”.
Nand’yan lang ‘yan sa tabi-tabi!
◘◘◘
TAMEME na ang mga kumokontra sa Oplan Tokhang.
Baka napagod na?
◘◘◘
ILILIPAT na si Janet Lim Napoles sa Correctional Institute for Women.
Huh, nasaan ang kanyang “back-up”?
◘◘◘
PITO ang patay nang rumampa ang dispalinghadong trak.
Hindi lang ang dyip ang luma, maging ang mga trak at bus, bakit pinapayagang magbiyahe?
◘◘◘
EXCITED na ang mga waray sa pagbabalik ng Balangiga Bells.
◘◘◘
PINAAGA ang bakasyon ng mga estudyante.
Mapupuno na ulit ang mga computer shop!
◘◘◘
NAUUSO na ang trangkaso.
Buwelo ‘yan sa Pasko!
◘◘◘
NABUBULOK na ang tone-toneladang smuggled fruits.
Matumal ang bentahan sa merkado!
◘◘◘
NATUWA ang mga misis nang ilathala natin ang lantarang pasugal sa mga peryahan.
Dito kasi nalulustay ni mister ang suweldo.
Magugutom ang kanilang mga anak bago mag-Pasko.
Delikadong maubos ang bonus sa color games na kinukunsinte ng Digong administration!





Comments