top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Matapos maabsuwelto; Revilla, join sa partido ni P-Duterte o ni Mayor Sarah?! Hmmm…

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 11, 2018
2 min read

USAP-USAPAN ang pag-absuwelto kay dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. sa kasong pandarambong, kaugnay ng PDAF o “pork barrel scam” na pinatakbo ni Janet Lim Napoles. Sina Napoles at Atty. Richard Cambe na katiwala ni Revilla ay hinatulang guilty at sinentensiyahan ng 4 taong pagkakulong. Tatlo sa limang hurado ng Sandiganbayan First Division ang nagde­sisyon na absuwelto sa kasong pandarambong kaugnay sa PDAF scam si Revilla. Ang tanong, paano magiging absuwelto ang sinuhulan kung guilty o may sala ang nanuhol at pinababalik pa ng hukuman sa tatlong akusado ang milyun-milyong pera na nakuha umano nila at ano ang ibig sabihin n’un?

Ayon sa nagsulat ng desisyon, hindi niya ito mapang may sala kahit gusto niya dahil mahina umano ang ebidensiya. Nilinaw niyang “acquitted” si Revilla at hindi “not guilty”. Hindi niya sinasabing walang kasalanan si Revilla. Mahirap intindihin, pero ito ang pahayag ni Associate Justice Geraldine Econg. Si Econg ay noong Enero 2016 lang nahawakan ang kaso habang si Associate Justice Edgardo Caldona ay noong Marso 2017 lang pumasok. Ang hindi sumang-ayon sa desisyong palayain si Revilla na si Associate Justice Efren dela Cruz, ang chairman ng First Division ng Sandiganbayan ay hawak na ang kaso sa simula pa lang.

◘◘◘

Ayon kay Dela Cruz, imposibleng walang alam si Revilla habang ang kanyang katiwala ay sangkot sa PDAF scam. Hindi raw maloloko nina Napoles at Cambe si Revilla sa pamamagitan ng pekeng pirma para mailabas ang kanyang PDAF sa mga pekeng NGO. Marami pang ebidensiya laban kay Revilla pero, hindi ito binigyang-halaga ng tatlong hurado. Ang pekeng pirma lang umano ni Revilla ang nagpalakas sa kaso ng depensa.

Kaya ang tatlong naipakulong noong panahon ng nakaraang administrasyon ay malaya na ngayong panahon ng administrasyong ito. Masabi lang na kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamilya Estrada at si Juan Ponce Enrile. Hindi malayo na sasama na sa partido ni P-Duterte o ni Mayor Sarah si Revilla. Ano kaya ang mangyayari sa kaso ng iba pang mga mambabatas na akusado sa PDAF scam ni Napoles, matapos ang desisyong ito? Makinabang kaya sila sa depensang ginawa ng mga abogado ni Revilla at gayahin o kaya banggitin sa korte?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page