Kung naaayon sa batas ang pagpapaalis ng tenant dahil sa hindi pagkakasundo sa mga pananim sa kanyan

Dear Chief Acosta,
Nais kong malaman kung tama bang paalisin ako bilang tenant ng may-ari ng lupang aking sinasaka sapagkat kami ay hindi nagkasundo o nagkaiba ng opinyon sa mga pananim na dapat itanim o ilagak sa lupa kahit na ako ang pinanigan ng korte tungkol dito? — Saint
Dear Saint,
Para sa inyong kaalaman, ang Section 6 ng Republic Act No. 2263 o mas kilala bilang An Act Amending Certain Sections of Republic Act numbered one thousand one hundred ninety-nine, otherwise known as the Agricultural Tenancy Act of the Philippines, ang batas na naaangkop sa inyong sitwasyon:
“Section 6. Subsections (1) and (2) of Section twenty-five of the same Act are hereby amended to read as follows:
“Sec. 25. Rights of the Landholder:
“(1) The landholder shall have the right to choose the kind of crop and the seeds which the tenant shall plant in his holdings: Provided, that if the tenant should object, the court shall settle the conflict according to the best interest of both parties: Provided, further, that in no case shall a tenant be ejected as a consequence of a change in crop.” (Binigyang-diin)
Base sa mga nabanggit, ang may-ari ng lupa ay mayroong karapatang pumili ng mga pananim na maaaring ilagay sa kanyang lupa. Kung sakaling ang tenant ay hindi sumang-ayon dito, ang korte ang nararapat na magdesisyon kung ano ang mga itatanim sa lupa base sa interes ng parehong partido.
Bukod pa rito, nakasaad din sa nabanggit na probisyon na ang tenant ay hindi maaaring paalisin ng may-ari ng lupa sa dahilang naiba ang mga pananim sa kanyang lupain.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments