Dumalaw sa selda |ESTUDYANTE TIKLO SA DROGA

TIMBOG sa pinatuyong marijuana ang isang estudyante makaraang magtangkang magpuslit ng ilegal na droga sa selda ng Batangas City Jail.
Batay sa report, papasok pa lamang ang suspek na si Reynold Lubrica, 20, walang asawa, residente ng Bgy. Alangilan, nang mapansin ang kahina-hinalang kilos nito.
Sinuri ang dala nito at nang kapkapan ang bulsa, tumambad ang isang pakete na may lamang pinatuyong marijuana.
Agad siyang inaresto at dinala sa himpilan ng pulisya upang masampahan ng kaukulang kaso.





Comments