Candy, style, sweater wrapping, cellophane etc...IBA’T IBANG PARAAN KUNG PAPAANO BABALUTIN ANG REGAL


WALA ka bang alam sa pagbabalot ng regalo dahil madalas, eh, nakaasa ka lang sa nanay mo? Naku, hindi puwede ‘yan ngayong Pasko dahil kailangan mo nang matuto, beshy! Alamin ang ilan sa mga paraan ng pagbabalot ng regalo:
1. BOARD WRAPPING PAPER. Sa ngayon, usung-uso na ang pagbabalot ng regalo na ginagamitan ng itim na colored paper at saka sinusulatan ng kung anu-ano depende sa gusto ninyong disenyo.
2. GLITTER TAPE WRAPPING. Kung medyo girly ang pagbibigyan mo ng regalo, mainam kung lalagyan mo ito ng makinang na bagay tulad ng glitters dahil nakaa-attract ito sa mga mata. Pero, para hindi magkalat masyado, gumamit ka na lang ng glitter tape na nabibili na sa mga bookstore.
3. PAPER TREE WRAPPING TOPPER. Para naman naaayon sa tema ang pagbabalot mo ngayong Pasko, gumamit ka ng mga disenyong may kaugnayan dito tulad ng Christmas Tree, lanterns, stars at marami pang iba.
4. SWEATER WRAPPING. Hindi natin nililimitahan ang pagbabalot sa paggamit lamang ng papel o giftwrapper dahil knows ba ninyong puwede rin ang tela para rito? Basta siguraduhin ninyong nababagay at malinis ito bago ninyo gamitin.
5. THINK OUTSIDE THE (GIFT) BOX. Huwag limitahan ang disenyo ng inyong balot, mas kakaiba, mas maganda. ‘Yung tipong balot pa lang, eh, solve na ‘yung reregaluhan mo. Oh, ‘di ba, bongga?
6. DECORATIVE GIFT BOXES. Para naman sa mga dehins talaga knows kung paano magbalot, may mga box na nabibili sa bookstores para hindi na kayo mahirapan pa, pero make sure na ‘yung bibilhin ninyo, eh, ‘yung maganda at hindi mukhang patapon na. Ha-ha-ha!
7. PONYTAIL OR CANDY STYLE. Kung ang ireregalo naman ay pahaba tulad ng unan, ballpen at iba pa, para dehins na kayo mahirapan pa, balutin na lang ito ng parang candy na iniikot sa magkabilang dulo. Bukod sa madali itong gawin, cute pang tingnan lalo na kung para ito sa mga tsikiting.
8. CELLOPHANE. Kung noche buena package naman ang ireregalo ninyo, mainam kung ibabalot ito sa cellophane na mayroong iba’t ibang kulay tulad ng blue, yellow, red, green at orange.
Basta make sure na iingatan lang ang pagbabalot nito at lalagyan muna ng karton ang ilalim nito bago ilagay ang mga de-lata nang sa gayun ay hindi ito mabutas.
Oh, ayan, sana ay nakatulong kami sa inyo, mga beshy!
Basta palagi ninyong tatandaan, bonggahan n’yo na ang balot ng inyong regalo para kaaya-ayang tingnan kahit mura lang ‘yung mismong laman. He-he-he!





Comments