top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Simbahan nilooban | BLESSED SACRAMENT, TINANGAY

Madel Moratillo
Dec 10, 2018
1 min read

ILANG araw na isinara ang buong Simbahan ng Sta. Clara de Montefalco Parish kasunod ng ginawang pagnanakaw sa ‘Blessed Sacrament’ sa Adoration Chapel nito.

Pansamantalang isinara ang buong Simbahan simula nitong Disyembre 8 at tatagal hanggang bukas.

Kaugnay nito, lahat ng misa kahapon ay idinaos na lamang sa labas ng Simbahan.

Samantala, nagpalabas din si Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara ng decree na nag-aatas na isara ang Adoration Chapel ng Simbahan mula noong Huwebes.

Ipinag-utos din ang pagsasagawa ng ‘Public Penance’ o pananalangin at pagbabayad-puri ng mga mananampalataya ng Sta. Clara de Montefalco Parish.

Batay sa katuruan ng Simbahang-Katolika, ang paglapastangan sa Blessed Sacrament ay isang mortal na kasalanan.

Nagbigay din ng Katesismo tungkol sa Eukaristiya at ipinaliwanag ang nangyaring desecration sa Santissimo Sacramento.

Ipinagdasal din sa mga misa ang ‘Act of Reparation for Irreverence to the Eucharist’ bago ang Post-Communion Prayer.

Nabatid na nasa tatlong araw din na nagkaroon ng Stations of the Cross sa paligid ng parokya at magdaraos din ng ‘Day of Fasting and Penance’ ngayong araw para sa pagsisisi sa nangyaring paglapastangan sa Blessed Sacrament. Isasagawa rin ang Eucharistic Procession patungo sa Adoration Chapel para sa muli nitong pagbubukas at muling paglalagay sa Blessed Sacrament.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page